Propaganda - isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan
Biyernes, Agosto 26, 2016
Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan
May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:
1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng pamahalaang bayan;
2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;
3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;
4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag na cedula;
5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;
6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan.
Mga Nahalal sa Pamunuan
Ambrosio Salvador – pangulo
Agustin de la Rosa – piskal
Bonifacio Areval – ingat-yaman
Deodato Arellano – kalihim
Jose P. Rizal – ang nagsulat ng Saligang-Batas sa Hong Kong katulong si Jose Maria Basa
Hulyo 6, 1892 – dinakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ikinulong sa Fort Santiago
Cuerpo de Compormisarios – nagpatuloy na sumusuporta sa La Solidaridad
La Liga Filipina
Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.
Ito ay isang samahang pangsibiko na naglalayong:
1. pagkakabuklod ng buong kapuluan;
2. pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan at kagipitan;
3. pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng karahasan at kawalang-katarungan;
4. pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura at komersiyo;
5. pagsasagawa ng mga reporma o pagbabago.
Jose P. Rizal
Ø Ang itinuturing na nobelista ng mga propagandista. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Sa gulang na walong taon pa lamang ay naisulat na niya ang tulang “Sa aking Kababata” na nagturo ng pagmamahal sa sariling wika. Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.
Ø Ang kanyang obra maestro, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
El Filibusterismo
Ø ay isang nobelang pulitikal na nagsasaad ng nalalapit na rebulusyon
1892
Ø dinakip at ikinulong siya sa Fort Santiago at di naglaon ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga
Disyembre 30, 1896
Ø Siya ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril sa Bagumbayan (Luneta ngayon)
Ang kanyang mga akda:
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo
3. A La Suventad Filipina
4. Mi Ultimo Adios
La Solidaridad
Upang mapalaganap ang layunin ng kilusan, bumuo ang samahan ng isang pahayagan. Ang La Solidaridad ang opisyal na organ ng kilusang propaganda.
Enero 15, 1898 – Inilathala sa Barcelona, Espanya ang unang sipi.
Graciano Lopez Jaena – ang unang patnugot ng pahayagan
Marcelo H. del Pilar – pumalit siya sa taong Disyembre 1895
Nobyembre 15, 1895 – Tumagal na paglathala ng pahayagan
Mga Limang Pilipinong Manunulat
Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Araw at Gabi, Dolores Manapat
Jose Rizal – Dimasalang, Laong Laan
Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, Kalipulako
Antonio Luna – Taga-ilog
Jose Maria Panganiban – Jomapa
Mga Dalawang Propesor
Propesor Ang – isang etnolohistang Australiano
Dr. Miguel Morayta – Kastilang propesor, mananalaysay at mambabatas
Ang Kilusang Propaganda
Ito ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan. Ang pangunahing adhikain ay mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at ang paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila. Ito ay upang maranasan ng mga Pilipino ang mga karapatang bilang mamamayang Kastila. Kung susuriin, ang hinihiling lamang ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili ng bansa.
Ang pamamaraang ginagamit ng mga repormista o propagandista ay ang pluma.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)