Biyernes, Agosto 26, 2016

Ang Kilusang Propaganda

          Ito ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan.  Ang pangunahing adhikain ay mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipino at ang paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila.  Ito ay upang maranasan ng mga Pilipino ang mga karapatang bilang mamamayang Kastila.  Kung susuriin, ang hinihiling lamang ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili ng bansa.

          Ang pamamaraang ginagamit ng mga repormista o propagandista ay ang pluma.

          Sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaang Kastila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento